-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Italy ang pagsabog ng bomba sa labas ng bahay ng kilalang investigative journalist na si Sigfrido Ranucci.

Si Ranucci ay nasa ilalim ng police protectionng ilang taon dahil sa banta na kaniyang natatanggap sa buhay.

Base sa inisyal na imbestigasyon na isang uri ng pampasabog ang itinanim sa harap ng gate ng bahay ni Ramuccis a Campo Ascolano.

Nangyari ang pagsabog 20 minuto pagkauwi nito sa kanilang bahay.

Dalawang sasakyan ang nasira na pag-aari niya at ng kaniyang anak na babae.

Kinondina ni Italian Prime Minister Giorgia Meloni ang insidente kung saan ipinag-utos nito ang masusing imbestigasyon.