-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Kinumpirma ng pulisya na sangkot din sa iba pang insidente ng pambobomba sa Mindanao ang bomb courier na napatay sa shootout sa lungsod ng Tacurong.

Ito ang inihayag ni Sultan Kudarat PNP provincial director Col. Noel Kinazo sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ni Kinazo ang nasawi na si Abdul Rashid Soledad Lamalan alyas Jamir, Abdullah Montawal at Spike, at residente ng Brgy. Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.

Si Abdul ay myembro raw ng terrorist group na Dawlah Islamiyah at nagsanay sa ilalim ni Jaafar Maguid alias Tokboy at kasapi rin ng Jemaah Islamiya (JI) group na nakabase sa Lanao del Sur.

Kasama rin ito sa Maute group na sangkot sa Marawi siege noong 2017, suspek din umano ito sa 2019 Jolo Cathedral bombing basi sa kuha ng CCTV camera.