-- Advertisements --

Tatalima ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa paglabas ng writ of summons ng Senate na siyang nagsilbi bilang impeachment court.

Ayon kay Atty. Michael Poa, ang legal counsel at tagapagsalita ng Bise Presidente na sila ay tutugon sa proseso na inilaan ng Senate impeachment court.

Giit nito na maghahain sila ng sapat na kasagutan na naayon sa konstitusyon.

Kanilang inirerespeto ang kasalukuyang proseso at hindi na sila nagbigay pa ng anumang komento.

Maguguintang binigyan ng Senate impeachment court ng 10 araw ang Bise Presidente kapag natanggap na nila ang writ of summons.