Sinibak sa puwesto ang dalawang kapulisan dahil sa pakikialam sa kaso ng nawawalang sabungero.
Kinilala ang mga ito na sina Police Lieutenant Nadame Malang, tagapagsalita ng Highway Patrol Group (HPG) at si Philippine National Police Custodial Center’s Police Major Reynaldo Pañebe Jr.
Sinabi ni HPG chief Police Brigadier General Rommel Batangan na nakalagay sa floating status si Malang hbang ayon kay Police Brigadier Manuel Abrugena ang namumuno ng Headquarters Support Service (HSS) na base na rin sa kautusan ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr ay kanilang agad tinanggal si Pañebe.
Paliwanag ni HPG chief Police Brigadier General Rommel Batangan, na tinulungan lamang ni Malang ang ilang indibidwal para makapasok sa police headquarters compound.
Habang hindi umano alam ni Pañebe na ang kaniyang tinulungan na bisita sa PNP custodial facility ay pamilya ng mga nawawalang sabungero.
Magugunitang nagtungo sa National Police Commission ang ilang pamilya ng nawawalang sabungero kung saan ibinunyag nila na tinulungan sila na bisitahin ang ilang akusado sa nawawalang sabungero sa pasilidad ng Camp Crame.
Ibinunyag din nila na mayroong tinatanggap ang ilang mga nagrereklamo ng tig-P40,000 kada buwan bilang tulong pinansyal para iatras ang kaso.
















