Itinanggi ni Department of Justice Secretary Fredderick Vida na mula kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang utos para ipatupad ang ‘ICC arrest warrant’ laban kay Sen. Bato Dela Rosa.
Ito aniya’y pagpapatupad ng warrant na kinikalala bilang ‘valid’ kasabay sa pagbasura o walang inilalabas na Temporary Restraining Order mula sa Korte Suprema.
Kung kaya’t dahil rito’y maari nang isagawa ng mga awtoridad ang implementasyon ng warrant kontra sa mambabatas.
Sa isinagawang pulong balitaan ng DOJ, ininanunsyo ng kalihim na inatasan ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation arestuhin si Sen. Dela Rosa.
Layon aniya sa direktibang ito na tuluyang maidala sa International Criminal Court ang mambabatas para harapin nito ang kasong kinasasangkutan.
Gayunpaman wala pang tiyak na kasagutan kung saan agaran dadalhin ang senador sa oras na maaresto ng mga awtoridad.
















