-- Advertisements --

Inatasan ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa isang press briefing, kinumpirma ni Department of Justice Secretary Frederick Vida na “fugitive from justice” na si Senador Bato at dapat na dalhin sa International Criminal Court (ICC) para harapin ang mga kaso laban sa kaniya.

Ayon sa DOJ official, ito ay alinsunod sa inisyung arrest warrant ng ICC na “valid” o may bisa.

Sa ngayon, patuloy na kinukuhanan ng Bombo Radyo ng pahayag ng kampo ng senador kaugnay sa nakaambang pag-aresto sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP).

Matatandaang nauna nang pinangalanan si Dela Rosa bilang isa sa co-perpetrators sa kasong crimes against humanity may kaugnayan sa umano’y libu-libong pagpatay sa ilalim ng kampaniya kontra iligal na droga ng Duterte administration.