Nagbiro ang aktres at dating Viva Hotbabes member na si Andrea Del Rosario kaugnay ng mga larawang kumalat niya kasama si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na ngayon ay pinaghahanap ng mga awtoridad.
Nagsimula ang usapan matapos niyang i-share sa social media ang throwback photo nila ng senador, na agad pinansin at kinwestyon ng netizens kung may alam siya sa kinaroroonan nito. Nilinaw ng aktres na lumang larawan iyon at wala siyang kinalaman sa kasalukuyang isyu.
Sa gitna ng mga biruan online, sinabi pa ni Andrea na “sumasakay lang siya sa memes” at hindi niya inasahan na lalaki ang usapan tungkol sa naturang post.
Nagpatuloy pa ang kanyang pagbibiro nang sabihin ng isang netizen na baka maimbestigahan siya ng mga awtoridad. Sagot niya, biro pa rin, na wala siyang alam at nagpapatawa lamang sa online conversation.
Samantala, patuloy namang pinag-uusapan ang sitwasyon ni Dela Rosa matapos ipag-utos ng Department of Justice ang paghahanap sa kanya ng mga law enforcement agencies kaugnay ng pagpapatupad ng arrest warrant mula sa International Criminal Court.















