Meralco Bolts
Meralco Bolts/ PBA image

Pasok na sa finals ng PBA Governors’ Cup finals ang Meralco Bolts matapos talunin ang TNT KaTropa 89-78.

Dinala ni Allen Durham ang Bolts na nagtapos ng 28 points, 10 rebounds at walong assists habang mayroon 23 points, eigth rebounds si Chris Newsome.

Pinasalamatan naman ni Bolts coach Norman Black ang kaniyang mga manlalaro dahil sa naka-focus sila para makapasok sa finals.

Hawak kasi ng TNT ang 2-1 na kalamangan sa best of five semifinals hanggang sa dalawang sunod na naipanalo nila ang laban at tapusin ang serye.

Makakaharap na ng Bolts ang Barangay Ginebra na kanilang tinalo sa finals ng Governor’s Cup noong 2016 at 2017.