-- Advertisements --

Inihayag ng Bureau of Customs na kanilang hindi palalagpasin maging ang mga car dealers na makikitaan o kasabwat ng pamilya Discaya hinggil sa isyu nitong ‘luxury cars’.

Ayon sa pahayag ni Comm. Ariel Nepomuceno, pananagutin rin aniya ang mga ito sakaling mapatunayang hindi dumaan sa tamang proseso ang pagpasok ng mga ‘luxury cars’ sa loob ng bansa.

Ito raw kasi ang paliwanag ng kampo ng pamilya Discaya kung saa’y binili lamang anila umano sa mga dealer ng sasakyan ang ari-arian.

Kaya’t kung madiskubreng ito’y may katotohanan, hahabulin aniya ng kawanihan maging ang mga car dealers na nagpuslit o nag-import ng luxury cars sa bansa.

Habang kanya namang sinabi na hindi lamang sa pamilya Discaya nakatuon ang kanilang pag-iimbestiga kaugnay sa kontrobersyal na flood control projects.

Maging ang ilan mamahalin ari-arian ay kanila rin aniyang tinitingnan sakaling may nilabag sa batas buhat nang maipasok sa Pilipinas.