-- Advertisements --
Bloomberg Michael
Michael Bloomberg/ IG post

Pormal nang inanunsiyo ni dating New York City Mayor Michael Bloomberg ang kaniyang pagiging pangulo sa ilalim ng Democratic Party.

Sa naging pahayag ng 77-anyos na bilyonaryo, nais nitong talunin si US President Donald Trump at muling itayo ang America.

Tiniyak nito na mananalo siya sa nasabing halalan.

Makakasama ni Bloomberg ang 17 kandidato na kinabibilangan nina dating Vice President Joe Biden, Senators Elizabeth Warren at Bernie Sanders.