Nagkaroon na ng kasunduan ang Iran sa Oman para sa mapayapang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz.
Kinumpirma ito ni Foreign ministry spokesman Esmaeil Baqaei subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.
Dagdag pa nito na nasa “final stages” na ang nasabing kasunduan.
Nagbigay din ito ng pagbabala na ang kasunduan sa Oman ay hindi nag gagarantiya ng ligtas na pagdaan sa pamamagitan ng strait.
Iginiit nito na ang seguridad ay maapektuhan pa rin ng pagharang ng US sa mga pantala ng Iran.
Mula kasi ang maglunsad ng pag-atake ang US at Israel sa Iran nitong Pebrero ay hinarang ng Iran ang malaking bahagi ng Strait of Hormuz kung saan karamihang mga oil at liquefied natural gas ang kadalasang dumadaan sa lugar.
Una na ring sinabi ni US President Donald Trump na kanilang tatamaan ng matindi ang Iran kapag hindi agad na binuksan nila ang Strait of Hormuz.
















