-- Advertisements --

Binalaan ng US State Department ang mga mamamayan nito na nasa Middle East dahil sa patuloy na tensiyon nila ng Iran.

Ayon sa US State Department na kung maari ay ikonsidera ng kanilang mga mamamayan ang lumikas na.

Ang nasabing kautusan ay kasunod ng nakatakdang panibagong airstrikes ng US sa Iran sa mga susunod na araw.

Una ng ibinabala ng US State Department na maging handa at bigilante ang mga US citizens nila dahil sa tumitinding tensiyon.