-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos ang naganap na sunog sa lungsod ng Caloocan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nangyari ang sunog sa isang residential area ng Barangay 8, Caloocan City nitog pasado ala-1 ng madaling araw ng Linggo, Agosto 2.

Hindi pa naglabas ng dagdag na impormasyon ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima.

Naapula naman ang sunog matapos ang mahigit dalawang oras.

Habang patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.