-- Advertisements --
Sinisi naman ni US Secretary of State Antony Blinken ang Hamas sa muling pagbabalik ng Israel ng kanilang military operation sa Gaza.
Sinabi ni Blinken na natapos ang pitong araw na tigil putukan dahil sa Hamas.
Sinimulan kasi ng Hamas pagpapakawala ng rocket patungo sa teritoryo ng Israel.
Ginawa lamang ng Israel ang nararapat para maprotektahan ang mga sibilyan sa Gaza.
Nitong Biyernes ng magpakalat ang Israel Defense Forces ng mga leaflets na nag-aatas sa mga sibilyan na lumikas sa Khan Younis ng south Gaza.