Pinasok ng grupo ng computer hackers ang biology laboratory ng Oxford University na nagsasagawa ng pagsusuri sa COVID-19.

Nangyari ang pag-hack sa Division of Structural Biology o kilalang bilang Strubi na siyang nagreresearch tungkol sa COVID-19.

Ayon sa Oxford University na agad nilang naagapan ang insidente at naayos ang problema.

Inaalam pa nila kung anong grupo ang responsable sa nasabing pag-hack.