Gumagawa ng kasaysayan ang The Nation’s Girl Group na BINI bilang unang all-Filipino girl group na magtatanghal sa Coachella Valley Music & Arts Festival.
Ayon sa opisyal na anunsyo ng festival, magpe-perform ang grupo sa Abril 10 at 17, 2026.
Magsisimula ang sale ng tickets sa Setyembre 19, habang maaaring bumili nang maaga para sa access.
Ang General Admission pass para sa isang linggo ay magsisimula sa halagang $649, habang ang VIP pass naman ay umaabot sa $1,299.
Kaugnay nito makakasama ng BINI sa lineup ang mga international acts tulad nina KATSEYE, Foster the People, Ethel Cain, Teddy Swims, The XX, Nine Inch Noize, at Disclosure.
Ang festival ay pangungunahan nina Sabrina Carpenter (Abril 10 at 17), Justin Bieber (Abril 11 at 18), at Karol G (Abril 12 at 19).
Samantala nagpaabot naman ng pagbati si SB19’s Pablo habang ang iba’y nagsabing nakakakilabot at makasaysayan ang tagumpay ng BINI.
Ang Coachella ay isa sa pinakamalaking music festivals sa buong mundo, ginaganap ito taon-taon sa California, at kilala sa pagtitipon ng mga pinakamalalaking pangalan sa musika mula sa iba’t ibang genre.
 
		 
			 
        














