-- Advertisements --
Makakasama ang Pinay group na BINI sa Aurora Music Festival sa Davao City.
Gaganapin ito sa darating na Oktubre 25 sa Crocodile Farm Concert Grounds sa Davao City.
Makakasama nila ang ilang singers gaya nina Rob Deniel, Amiel Sol at iba pang singer.
Bukod kasi sa concert ay matutunghayan ng mga manonood ang mga makukulay na hot air balloon.
Magugunitang noong Mayo ay kasama rin ang BINI sa dalawang araw na sold-out show sa Aurora Music Festival na ginanap sa Clark Global City, Pampanga.