-- Advertisements --
Nagpaabot ng tulong sina BINI members Colet at Aiah sa mga nasalanta ng bagyong Tino sa Cebu.
Nagbigay ng mga relief goods nitong araw ng Sabado sina Aiah Arceta at Colet Vergara.
Sa kaniyang social media account ay pinasalamatan ni Aiah ang mga volunteer na tumulong para bumili , nagrepack at namahagi ng mga tulong nito.
Noong nakaraang buwan din ay naglunsad si Aiah ng donation drive para sa biktima ng malakas na lindol sa Cebu.













