KORONADAL CITY – Naiturn-over na nang mga pulis sa Municipal Social Welfare and Development Office ang isang binatilyo na kanilang inaresto sa Polomolok, South Cotabato dahil umano sa paglabag sa Comelec gun ban.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col Samuel Cadungon ng Polomolok PNP.

-- Advertisement --

Ayon kay Cadungon, ang suspek na isang 16-anyos ay nakatira sa Barangay Rubber sa nasabing bayan.

Sinita umano ng mga nagrorondang pulis ang suspek na naglalakad sa kanilang lugar nang mapansin ang baril na nakasukbit sa bewang nito.

Nakumpisa ng mga pulis sa sa menor de edad ang isang 9mm pistol at tatlong mga bala ng nasabing armas.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang suspek.