-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Nadakip ng mga kasapi ng San Mateo Police Station sa Isabela ang isang magsasaka na nahaharap sa kasong 6 counts of acts of lasciviousness.
Ang akusado ay si Alejandro Gagarin Alcantara,57 anyos, binata at residente ng Poblacion Sur, San Pedro Ilocos Sur.
Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan matagumpay na naisilbi ng mga kasapi ng San Mateo Police station ang warrant of arrest laban kay Alcantara na ipinalabas ni Judge Policarpio Martines ng RTC branch 71 Candon City, Ilocos sur.
Agad na dinala sa himpilan ng pulisya si Alcantara para sa kaukulang dokumentasyon bago ipinasakamay sa court of origin.