-- Advertisements --

Iginiit ni Senate President Win Gatchalian na kailangang matiyak ng Senado na bawat pisong ilalaan sa panukalang P7.2-trilyong national budget para sa 2027 ay direktang mapapakinabangan ng mga Pilipino.

Ayon kay Gatchalian, magiging sentro ng pagsusuri ng Senado ang public trust, fiscal responsibility at timely execution habang sinisimulan ang committee deliberations sa 2027 National Expenditure Program.

Sinabi niya na dapat magkaroon ng malinaw na resulta ang mga pondong ilalaan para sa edukasyon, healthcare, infrastructure, social protection at job creation, partikular sa pagsusulong ng inclusive economic growth.

Kasunod nito, tiniyak ni Gatchalian na maglalagay ang Senado ng mahigpit na safeguards para sa transparency at accountability sa magiging final version ng 2027 national budget.

Ang pahayag ng Senate President ay kasunod ng turnover ng 2027 NEP mula sa Department of Budget and Management sa Senado.