CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang binatang nahulihan ng nasa P816,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa Phase 1, Calaanan, Brgy. Canitoan nitong lungsod.

Kinilala ang suspek na si Elpedio Paje, 19, at residente sa nasabing lugar.

Sinabi ni Lumbia Police Station commander Major Aldren Baculio na umaabot sa tatlong buwan ang kanilang pagmamanman sa target bago naging matagumpay ang kanilang operasyon.

Ayon kay Major Baculio, ang kanilang nahuli ay itinuturong responsable sa pananaksak sa isang guro noong 15-anyos pa lamang ito.