Nakatakdang ilabas ng Department of Education (DepEd) ang revised na curriculum para sa academic year 2020-2021.
Ayon kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, isiniksik na sa panibagong curriculum ang most essential learning competencies (MELC) at sisimulan agad ang implementasyon nito ngayong taon.
Tampok sa nasabing learning competencies ang mga kaalaman, kasanayan, at ugali na kinakailangang maipakita ng mga mag-aaral sa kada aralin.
Nasa 60% ng MELCs ang tinanggal mula sa 14,171, kaya 5,689 na lamang ang natira para sa paparating na school year.
Paliwanag ni Malaluan, bunga ito ng dalawang taong pag-aaral na naglalayong matugunan ang congestion at overlap ng K to 12 curricula.
Samantala, bumabalangkas na ng solusyon ang ilang mga DepEd schools divisions para maplantsa ang mga gusot sa sektor ng edukasyon sa gitna ng coronavirus pandemic.