-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi makaka-apekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pito sa 10 line items na naka paloob sa Unprogrammed Appropriations sa 2026 General Appropriations Act (GAA).

Paliwanag ni Budget Secretary Rolando Toledo, ito ay dahil hindi naman bahagi sa programmed appropriations ang mga nasabing line items at sa katunayan wala pa itong pondo sa ngayon.

Mapopondohan lamang ito kapag may kinita at extra na pondo ang pamahalaan.

Inihayag din ni Toledo na ang Pension at Gratuity Fund para sa military and uniformed personnel ay nakapaloob na sa budget ng DILG at DND.

Kabilang sa mga vineto ng Pangulo na line items sa UAs ay ang mga sumusunod:

Budgetary support to GOCCs (PhP6.8 billion);

Fiscal support sa CARS (Comprehensive Automotive Resurgence Strategy) program (PhP4.320 billion); 

Insurance for government assets (P2 billion); 

Public health emergency benefits na P6.7 billion;

Payments of PS requirements (PhP43,245,000) at

Government Counterpart for Certain Foreign Assisted Projects – PHP35,769,481