Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang average inflation ay mananatiling kontrolado at mas mababa sa kanilang itinakdang target na 2% hanggang 4% para sa buong taon ng 2025.
Ito ay kasunod ng naitalang 1.8% na inflation noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ginawa ng Central Bank ang pahayag sa kabila ng mga pagtataya ng mga international analysts na posibleng umabot lamang sa pagitan ng 1.6% at 1.8% ang inflation dahil sa pagbaba ng presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado.
Nananatiling positibo ang BSP at itinuturing na manageable ang kasalukuyang inflation outlook ng bansa.
Dagdag pa rito, inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang antas ng inflation ay babalik sa kanilang target na 3.0% na may margin na ± 1.0% sa mga taong 2026 at 2027.
Kinilala rin ng Monetary Board ang humihinang domestic economic growth outlook, o ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Gayunpaman, sa kabila nito, nananatiling positibo ang Monetary Board sa inaasahang pagbangon ng domestic demand, o ang pangangailangan para sa mga produkto at serbisyo sa loob ng bansa.
Ayon pa rin sa Monetary Board, malapit nang matapos ang kasalukuyang monetary policy easing cycle, na nangangahulugang malapit na silang huminto sa pagpapababa ng interest rates.













