sarangani jail
-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kaagad inilagay sa isolation ang mahigit sa 30 bilanggo ng Malapatan Municipal Jail matapos nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma sa Bombo Radyo ni Malapatan Mayor Salway Sumbo na maliban sa mga bilanggo may apat pang department head ng LGU ang patuloy na naka-quarantine.

Sinabi rin nito na kababalik pa lamang ng mga ito sa trabaho ngayong araw matapos ang 14 days mandatory quarantine.

Dahil sa nasabing pangyayari nagpadala kaagad nang makakain ang LGU sa mga isolation facility bilang suporta habang nagsasagawa ng work from home ang mga empleyado.

Dagdag ng opisyal, may 54 kaso ngayon ang Malapatan, Sarangani pati na ang isang kaso sa Delta variant na nasa asympthomatic naman lahat.

-- Advertisement --