PPH
Pangasinan COVID-19 monitoring

DAGUPAN CITY — Lumubo pa sa higit 9,000 ang bilang ng mga binabantayan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa pinaka(latest monitoring report mula sa tanggapan ng Provincial Health Office (PHO), nasa 9,281 na ang bilang ng mga Person Under Monitoring (PUM) sa nasabing bilang 9,251 ang kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng 14 days quarantine habang 30 naman sa mga ito ang nakatapos ng quarantine period.

Habang umakyat naman sa 16 ang bilang ng mga Patient Under Investigation (PUI) kung saan 11 sa mga ito ang kasalukuyan pa ring nasa ospital habang ang lima ay nakalabas na.

Bagamat sa kabila nito, nananatili pa ring COVID-19 free ang Pangasinan dahil walang nagpositibo dito.

Samantala tuluyan na ring isinailalim ng Pamahalaang Panlalawigan sa community quarantine ang boung probinsya sa pamamagitan ng Executive Order No. 0013-2020, bagamat ang bayan ng Lingayen, ay una ng nag-anunsyo ng pagpapatupad nito.

Samantala, sa ipinalabas na advisory ng lungsod Dagupan, simula ala-1:00 ng hapon ay nagpatupad na ng checkpoint sa lahat ng entry at exit points sa siyiudad na pangungunahan ng hanay ng PNP Dagupan.

Pansamantala namang kinansela ang market day sa bayan ng Calasiao na isinasagawa tuwing Lunes at Huwebes bagamat nananatiling bukas ang kanilang public market araw-araw.