CORONAVIRUS WUHAN 1

Nakapagtala ang Chinese health authority ng pinakamaraming namatay sa loob ng isang araw dahil sa COVID-19.

Ayon sa ulat, 252 ang nadagdag sa kanilang record mula kahapon.

-- Advertisement --

Dahil dito, umakyat na ang bilang ng namatay sa 1,367.

Ang mahigit 200 nadagdag ay pawang nagmula sa Mainland China.

Sa kasalukuyan mayroong 60,280 infected ng virus sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Habang 5,963 naman ang mga naka-recover matapos una nang magpositibo sa COVID-19.

wuhan john hopkins map
2019-nCoV Global Cases by Johns Hopkins CSSE