-- Advertisements --

Umabot na sa 55 ang bilang ng nasawi dahil sa malakas na pag-ulan, pagbaha, at landslide sa central Vietnam, habang 13 naman ang naiulat na nawawala, ayon sa disaster agency ng bansa nitong Sabado.

Lumampas sa 1,900 mm ang pag-ulan sa ilang bahagi ng central Vietnam sa nakalipas na linggo. 

Halos kalahati ng mga nasawi ay nasa lalawigan ng Dak Lak, kung saan 27 ang namatay, habang 14 naman ang nasawi sa lalawigan ng Khanh Hoa.

Tinatayang umabot sa 8.98 trilyong dong (humigit-kumulang $341 milyon) ang naging pinsala ng pagbaha sa ekonomiya, ayon sa pamahalaan.

Mahigit 235,000 na kabahayan ang binalot ng baha at halos 80,000 hektarya ng mga pananim ang nasira.