-- Advertisements --
Pumalo na sa 6.6 million na ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa US dahil sa coronavirus pandemic.
Ang nasabing bilang ay naitala sa matapos ang patuloy na pagtanggal ng mga negosyante ng mga trabahador mula ng ipatupad ang lockdown.
Itinuturing na ito na ang pinakamataas na record ng 6.6 million na mga manggagawa sa US ang naghain ng kanilang unemployment benefits.
Tinawag naman ng mga economist na “monstrous”, “stunningly awful” at “portrait of disaster”.