-- Advertisements --

Maraming kabahayan pa rin sa Jamaica ang wala pa ring suplay ng kuryente matapos ang pananalasa ng Hurricane Melissa.

Inasahan na marami pang mga maitatalang nasawi dahil sa hindi pa tapos ang kanilang search and rescue operations sa mga natabunan ng pagbaha.

May ilang bansa na rin ang nagpadala ng kanilang personnel para tumulong sa pagbangon ng bansa.

Balik normal naman ang operasyon ng ilang mgap paliparan sa nasabing bansa.

Gumagawa naman ng hakbang ang gobyerno ng United Kingdom na ilikas ang kanilang mga mamamayan na nasa Jamaica.

Mayroong inilaan na eroplano ang gobyerno para doon sumakay ang mga mamamayan nila na tinatayang aabot sa mahigit 8,000 na mga British Nationals.