Nagpapatuloy ang rescue at aid operations sa Jamaica, apat na araw matapos tumama ang Hurricane Melissa, na nagdulot ng malawakang pagkasira sa mga kabahayan, linya ng kuryente, at pananim.
Ayon sa ulat, marami pa ring komunidad ang isolated dahil sa mga bumagsak na puno at poste, habang ang mga residente ay napilitang kumuha ng maruming tubig sa ilog o uminom ng coconut water.
Sa Westmoreland, kita ang nagkalat na kagamitan dahil sa bumagsak na bahay sa baybayin.
Sa kabilang banda nagpadala na ng mga relief supplies ang Social Security Minister Pearnel Charles Jr. at iba pang emergency responders, kabilang ang ready-to-eat meals, tubig, tarpaulin, kumot, at gamot.
Ayon sa World Food Program, nakatanggap ang bansa ng 2,000 boxes ng emergency food mula sa Barbados, na sapat para sa 6,000 katao sa loob ng isang linggo.
Kaugnay nito 60% parin ng isla ang walang kuryente, at maraming residente parin ang naglalakad ng malalayong distansya para maghanap ng tulong.
Matatandaan na ang Hurricane Melissa ay isa sa pinakamalalakas na bagyo sa Atlantic, na tumama sa southwestern Jamaica noong Martes bilang Category 5 na kumitil din sa 28 katao sa Jamaica at 31 katao sa Haiti.















