DFA2
-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 12 18 30 54 89

Nadagdagan pa ng 21 ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong araw.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nasa tatlo ang nadagdag sa mga gumaling na OFWs matapos dapuan ng naturang sakit habang lima naman ang naidagdag na nasawi.

Sa ngayon may kabuuan nang 5,490 ang kabuuang nadapuan ng naturang sakit at 2,369 naman ang mga naka-rekober na at na-discharge sa mga treatment facilities.

Pumalo naman sa 395 ang bilang ng mga namatay na OFWs.

Sa ngayon nasa 51 ang bansa/region ang may Filipino COVID-19 case sa buong mundo.

-- Advertisement --