Pumalo na sa 35 ang bilang ng mga nasawi mula sa Maco, Davao de Oro landslide, ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Davao de Oro.
Ayon kay Edward Macapili, Executive Assistant for Communications and Public Information ng pamahalaang panlalawigan, ang landslide ay nakasalansan sa pagitan ng 50 hanggang 30 meters ng lupa sa “ground zero.”
Nakarekober ang mga rescuer ng isang nasawi matapos maghukay ng may 40 hanggang 20 meters.
Dagdag ni Macapili na 77 katao pa rin ang nawawala.
Itinigil ang search and rescue operation bandang alas-5 ng hapon nitong Sabado at magpapatuloy ngayong Linggo.
Samantala, batay sa datos ng NDRRMC, nasa kabuuang 1,135 pamilya o 5,318 indibidwal mula sa apat na barangay sa Maco, Davao de Oro ang apektado sa nangyaring landslide.
Nasa 62 na mga kabahayan ang nawawasak.
Samanatala, iniulat ng NDRRMC na nasa stable na kondisyon na ngayon ang tatlong taong gulang na batang babae na nasagip noong Biyernes, matapos mabigyan ng atensyong medikal sa isang ospital.
Tinawag ng pamahalaang lokal ng panlalawigan ang kanyang pagliligtas na “isang himala.”