-- Advertisements --
typhoon egay

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga iniwang patay ng pananalasa ng bagyong Egay sa ating bansa.

Batay sa pinakahuling ulat na inilabas sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa ngayon ay umabot na sa 30 ang bilang ng mga napaulat na nasawi nang dahil sa paghagupit ng nasabing bagyo.

Sa datos, 15 sa mga napaulat na nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region, habang 8 naman ang naitala sa Ilocos Region, 4 sa Calabarzon, 2 sa Western Visayas, at 1 sa Davao Region.

Bukod dito ay iniulat din ng ahensya na mayroong 171 na mga indibidwal ang naitalang nasaktan nang dahil pa rin sa bagyo, habang sa ngayon ay mayroon paring 10 indibidwal ang nawawala at patuloy na pinaghahahanap pa.

Samantala, sa ngayon ay nasa mahigit 871,000 na mga pamilya na o 3.2 million na mga indibidwal ang nananatiling apektado sa 14 na rehiyon, habang nasa 11,145 na mga pamilya naman o 40,485 katao ang kasalukuyan pa ring nananatili sa mga evacuation centers.