-- Advertisements --

Sinimulan ng ibinahagi ng Commission on Election (COMELEC) ang mga honoraria ng mga guro na nagsilbi sa halalan nitong Mayo 12.

Sinabi ni COMELEC Spox Atty George Erwin Garcia na nagsimula ng ipamahagi ng komisyon ang mga honoraria ng mga gurong nagsilbi sa halalan. Aniya, puntahan na ng mga guro ang mga kani-kanilang election officer para makuha na nila ito nang mas maaga.

Ayon sa Election Service Reform Act, kailangan mabigay na ng poll body ang honoraria ng mga 15 na araw pagkatapos ng halalan.

Ang kasalukuyang honoraria ng mga guro ay umaabot mula 9,000 hanggang 12,000. Ito ay mas mataas kumpara sa mga natatanggap ng mga guro noong nakaraang halalan.

Kaugnay nito, ayon din sa komisyon wala silang natanggap na reports mula sa mga local COMELEC na may mga guro na nakaranas ng karahasan sa araw ng halalan.