-- Advertisements --

Umakyat na sa 307 ang bilang ng mga nasugatan na may kaugnayan sa paputok sa bansa, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health.

Ayon sa ahensya, 16 na bagong firecracker blast injuries ang naitala sa mga sentinel hospital ng Department of Health mula Enero 5 hanggang 6.

Ang pinakahuling bilang ay 62 porsiyentong mas mataas kumpara sa naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Dagdag pa dito, sa pinakahuling surveillance report ng Department of Health ang Metro Manila pa rin ang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga nasugatan na may kaugnayan sa paputok na may 139 na kaso.

Karamihan sa mga biktima o 245 na kaso ay lalaki na may edad mula 1 hanggang 80, ayon sa ahenysa na kung saan Karamihan o 167 kaso ay nangyari sa kalye habang 130 ang nangyari sa kanilang mga bahay.

Ang pinakakaraniwang sanhi ng mga nangyaring insidente ay mula sa kwitis, boga, 5-star at fountain.

Samantala, isang kaso ng ligaw na bala naman ang nakumpirma sa Metro Manila.

Ngunit sinabi ng kagawaran ng kalusugan na iniimbestigahan din ng pulisya ang diumano’y 2 insidente ng ligaw na bala, na kinasasangkutan ng isang 14-anyos na batang lalaki at isang 27-anyos na babae mula sa Calabarzon.

Una na rito, walang naiulat na namatay dahil sa mga pinsala mula sa firecracker-related injuries.