Inilapat sa intensive care unit (ICU) ng Philippine General Hospital (PGH) ang isa mula sa walong pasyente na kritikal ang lagay matapos umanong uminom ng lambanog sa bayan ng Rizal, Laguna.
Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng PGH na si Dr. Jonas del Rosario na nagsabing may 43 ding isinailalim sa yellow zone dahil sa labis na bilang ng acid sa kanilang dugo.
Nasa 13 naman ang nagpapagaling pa dahil hindi nila kailangang sumailalim sa ano mang medical procedure.
Bago nga mag-tanghali ay kinumpirma ni Rizal Mayor Vener Muñoz na may tatlo pang bagong kaso ng pagkamatay dahil sa nasabing alak.
Sa ngayon may ilang pasyente ang isinugod din sa East Avenue Medical Center, Quezon City at Rizal Medical Center, Pasig City.
Umapela naman si Muñoz sa retailer ng Emma’s Homemade Lambanog sa kanyang bayan na siyang pinaniniwalaang pinagbilhan ng mga nabiktima.
Ipinaliwanag ni Food and Drug Administration (FDA) officer in charge Eric Domingo na hindi dapat bababa sa isang porsyento ang methanol content ng mga alak.
Ito’y bunsod ng ulat ng alkalde na nasa 11-percent ang kargang methanol ng ininom na lambanog ng mga biktima.
Ang labis daw kasi na intake nito sa katawan ng tao ay maaaring magdulot ng panghihina at pagka-bulag.
Umaasa si Mayor Muñoz na madagdagan ang kanilang ipapamahagi na financial assistance kasunod ng pagdedeklara niya ngayong araw ng state of emergency sa bayan ng Rizal, Laguna.