-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng mga nakumpiska ng gobyerno laban sa mga pekeng produkto na ibinebenta sa bansa sa unang siyam na buwan ng taon.

Ayon sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), na aabot sa P18.64 bilyon na halaga ng mga pekeng produkto na mas mababa ng 47 percent mula sa record-hig na P35.28-B noong nakaraang taon.

Nanguna ang Bureau of Customs sa may pinakamalaking bilang ng mga nakumpiskang produkto na mayroong 92 percent o katumbas ng P17.21-B.

Nananatili na ang mga pinepekeng produkto ay mga damit sa mga nakukumpiska nila.