-- Advertisements --

Lumubo na sa 133,612 na katao ang apektado sa malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng Mindanao dahil sa mga pag-ulang dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ).

Ito ay katumbas ng kabuuang 44,037 pamilya.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Disaster Response Management, umabot na sa kabuuang 123 barangay ang natukoy na nakaranas ng mga pagbaha.

Sa kasalukuyan, nananatili sa loob ng siyam na evacuation center ang 1,038 pamilya na binubuo ng 3,179 katao.

Mahigit 1,300 pamilya naman ang piniling makitira pansamantala sa kanilan mga kaanak habang nagpapatuloy ang mga pagbaha. Ito ay katumbas ng 5,346 katao.

Umabot na rin sa 28 kabahayan ang natukoy bilang totally damaged habang 86 na ang nakumpirmang partially damaged.

Inaasahang magbabago pa ang mga nabanggit na bilang habang nagpapatuloy ang assessment at validation na ginagawa ng DSWD sa mga natukoy na apektadong lugar.