Kinumpirma na ngayon ng ilang mga oil companies ang ipapatupad na oil price adjustment sa araw ng bukas, Martes.
Sa isang advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. iniulat nito ang big time oil price hike sa gasolina na umaabot sa P1.40 kada litro, habang may rollback naman sa krudo na P0.50 bawat litro gayundin sa kerosina na may P0.35 per liter.
Ito na ang ikatlong linggo na may bawas presyo sa diesel at kerosina.
Liban sa Shell ang SeaOil at PetroGazz ay sabay-sabay na magpapatupad ng kanilang price adjustment bukas ng alas-6:00 ng umaga.
Habang ang CleanFuel ay bukas pa ng alas-4:01 ng hapon.
Inaasahan na ang iba pang mga oil companies ay magsusunuran na rin.
Una nang iniulat ng Department of Energy na ang tinatawag na year to date adjustment ay umaabot na ang net increase ng P15.85 per liter sa bawat gasolina, sa diesel naman ay umaabot na sa P36.80 at sa kerosina ay nasa P28.95 as of November 1, 2022.