-- Advertisements --
Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maitatawid hanggang sa ika-20th Congress ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi nito na nakabantay ang executive branch sa mga hakbang na ginagawa ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero para magkaroon ng mapayapang paglipat ang impeachment trial sa susunod na Kongreso.
Dagdag pa ng Pangulo na wala itong nakikitang kontrobersiya dahil malinaw na hindi nila matatapos ang pagdinig ngayong ika-19th Congress.
Ipinapaubaya na lamang nito sa mga senador kung ano ang maaaring kahinatnan ng nasabing pagdinig.
Magugunitang nitong Martes ay nagpasya ang Senado na ibalik sa House of Representatives ang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.