-- Advertisements --

Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang hakbang ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-disquialify ang dalwang judges dahil umano sa isyu ng jurisdiction.

Sa desisyon na inilabas ni Judge Tomoko Akane na kanilang natanggap ang aplikasyon na inihain ni Duterte na kung maari ay matanggal sina Judge Alapini-Gansou at Judge Flores.

Ang nasabing defense challenge ay isinumite rin sa ICC Pre-Trial Chamber I.

Nakasaad sa desisyon na agad na tumugon ang plenary judges kung saan nagkasundo na ibasura ang nasabing aplikasyon.

Magugunitang inaresto ang 80-anyos na dating pangulo dahil sa kasong war against humanity dahil sa giyera nito sa iligal na droga noong termino niya.