Inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na 11 hanggang 19 na tropical cyclone ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Hunyo hanggang Nobyembre 2025.
Inilabas din ng state weather bureau ang tinatayang bilang ng mga bagyo kada buwan:
- Hunyo: 1–2
- Hulyo: 2–3
- Agosto: 2–3
- Setyembre: 2–4
- Oktubre: 2–4
- Nobyembre: 2–3
Ayon sa weather bureau, maaaring mag-landfall ang ilan sa mga bagyo sa Eastern Visayas o Southern Luzon, habang ang iba ay posibleng lumihis papuntang Taiwan o Japan.
Samantala, isang low-pressure area (LPA) ang binabantayan sa silangan ng Infanta, Quezon kung saan maaari itong maging bagyo sa mga susunod na araw.
Sa kabilang banda asahan na ang near-normal hanggang above-normal na ulan sa maraming bahagi ng bansa mula Hunyo hanggang Nobyembre, maliban sa ilang lugar na makararanas ng below-normal rainfall tulad ng Cavite, ilang bahagi ng Luzon, at Northwestern at Central Luzon sa Hulyo.
Maalalang opisyal nang idineklara ng PAGASA ang simula ng tag-ulan noong Hunyo 2, 2025.