-- Advertisements --

Inirekomenda ng House of Representatives ang pagsasampa ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte at iba pa dahil umano sa technical malversation, perjury, bribery at plunder.

May kaugnayan ang kaso sa hindi tamang paggamit ng confidential funds sa Office of the Vice President at sa Department of Education.

Sa ginanap na plenary session nitong Martes ay pinagtibay ng mababang kapulungan ang committee report ng House Committee on Good Government nd Public Accountability na siyang nagsagawa ng pagdinig ng kaso.

Base sa committee report na kanilang napatunayan sa committee hearings na nagkamal ng nasa P50 milyon na public fund habang ang confidential funds ay hindi nagamit ng tama na nagkakahalaga ng P612.5 milyon.

Dagdag naman ni Committee Chairperson Rep. Joel Chua na si Duterte lamangang unang bise president na humirit ng labis na confidential fund kung saan mahigit na P125 milyon ay nagastos sa loob ng 11 araw.

Magugunitang una ng itinanggi ng Bise Presidente ang mga alegasyon na ibinabato sa kaniya.