-- Advertisements --

Hindi option ang remand na ibalik muli sa Kamara ang articles of impeachment para litisin si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Iloilo Representative Lorenz Defensor at miembro ng 11-man House prosecution team, malinaw na pagsagasa ito sa ating saligang batas kung saan ang dapat naging aksiyon ng Senado ay alinman sa dalawa – acquit o convict.

Sinabi ni Defensor, hindi lamang ang prosecution ang apektado sa ginawa ng Senado kundi binalewala ng Senate impeachment court ang desisyon ng 215 Congressmen na bomoto pabor sa impeachment at litisin ang Bise Presidente.

Paliwanag pa ni Defensor, walang hurisdiksiyon ang Senator-judges na magbotohan at mag-mosyon kung uusad ang impeachment trial.

Ipinapaalala ni Defensor, mali na nagbotohan sa mosyon para ibalik muli sa Kamara ang Articles of Impeachment.

Anya, ang depensa o prosecution ang dapat mag-mosyon sa harap ng Senate impeachment court at saka pa lamang pagbobotohan kung aaprubahan o idi-deny ang mosyon.

Dagdag pa ni Defensor, mapanganib ang ginawa ng mga Senador kaya agad na magpupulong ang House prosecution team para sa kanilang susunod na hakbang.

Ayon naman kay Batangas Rep. Gerville Luistro na magbibigay ng pahayag ang House Prosecution Panel pagkatapos nilang magpulong saka sila haharap sa media.

Sa panig naman ni Akbayan PL Rep. Perci Cedana na hindi nirespeto ang Konstitusyon sa ginawa ng senado. 

Ayon kay Cendaña, pinili ng mga karamihan sa mga senador na itakwil ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Ang inaasahan aniya ng taumbayan ay makita ang katapangan ng mga senador na silang mga hurado sa impeachment court.

Ngunit ang nakakalungkot, ani Cendaña, pinili umano ng mga senador na magpakaduwag.

Sa panig naman ni Congressman -elect Chel Diokno na ang pag re remand ng Senado sa articles of impeachment sa House of Rep. ay malinaw na pag-aabandona sa ating saligang batas.

Giit ni Diokno na malinaw sa konstitusyon na kapag na transmit ang articles of impeachment na ang nakalagda at least one third miyembro ng house ay agad i trial ang kaso.

paglilinaw ni Diokno na hindi na dapat i-certify pa dahil ang pagbibigay ng articles of impeachment ito na ang malinaw na certification.

Sinabi pa ng kongresista na hindi siya naniniwala na patay na ang impeachment.