Nagbabala si US President Joe Biden na handa itong ibalik ang ipinataw na sanctions noon sa Myanmar makaraang angkinin ng mga militaw ang pamumuno sa nasabing bansa.
Kasunod na rin ito ng pagkakakulong kay Myanmar State Counsellor at Nobel Peace Prize awaree Aung San Suu Kyi at iba pang political leaders.
May kaugnayan ito sa di-umano’y pandadaya ng National League for Democracy (NLD) party sa ginanap na November 8 election dahil nakakuha ng landslide win ang naturang partido.
Sa isang pahayag, sinabi ni Biden na kailanman ay hindi dapat gumamit ng dahas upang burahin ang ninanais ng mamamayan ng Myanmar para sa isang credible election.
Kinondena na rin ng United Nations at United Kingdom ang coud d’etat sa Myanmar.
Kung maaalala, tinanggal ng Amerika ang sanctions sa Myanmar ilang dekada na ang nakararaan dahil sa unti-unti nitong natatamasang demokrasya.
Ayon pa sa Democratic president, handa itong aralin muli kung dapat magpataw ng sanction sa Myanmar dahil patuloy na makikiisa ang U.S. sa ipinaglalabang demokrasya ng mga mamamayan nito.