-- Advertisements --

Nagsanib pwersa ngayon ang Bureau of Immigration at National Intelligence Coordinating Agency upang mapaigting ang ugnayan ng pagbabantay sa ‘borders’ ng bansa.

Binigyang diin ng Bureau of Immigration na ito’y bahagi ng layon na gawing modernisado at propesyunal ang serbisyo.

Sa pamamagitan anila nito ay agaran makatutugon ang kawanihan sa anumang banta kaharapin o matuklasan man sa pagbabantay.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang ugnayan sa pagitan ng naturang ahensiya ay magbibigay daan na hustong pagtuunan ng pansin ang pagkilala sa border control bilang national security.

Kaya’t kanyang babala sa mga magtatangka pang pagsamantalahan ang ‘immigration system’ ay aniya’y haharap sa mas pinaigting na ‘united front’ .

Buhat nito’y mapalalakas ang koordinasyon lalo na sa iba’t ibang mga ahensiya masetiyak lamang ang seguridad ng mga papasok o papalabas ng bansa.