Nilagdaan ni U.S. President Joe Biden ang isang executive order na nagbabawal sa kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng mga U.S. individuals at ng dalawang breakaway regions ng eastern Ukraine na kinilala bilang “independent” ng Russia.
Kasama rito ang pagbabawal ng “bagong pamumuhunan” ng isang Amerikano, saan man matatagpuan at ang “pag-import sa Estados Unidos, direkta o hindi direkta, ng anumang mga produkto, serbisyo, o teknolohiya mula sa mga sakop na rehiyon.”
Kung maalala, ang pangulo ng Russia na si Vladimir Putin ay lumagda sa isang kautusan na kumikilala sa mga lugar bilang independyente.
Ang Biden administration ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga kaalyado sa Europa at naghanda ng isang hiwalay, mas matinding mga parusa na ipapataw sa Russia kung sakaling magkaroon ng pagsalakay sa Ukraine.