Interesado si US President Joe Biden na makaharap si Russian President Vladimir Putin.

Sinabi nito na aayusin niya sa mga susunod na araw kung kailan gaganapin ang nasabing pagpupulong.

Ang hakbang ay kasunod ng patuloy na paglalagay ng mga sundalo ng Russia sa border nila ng Ukraine.

Nauna rito na tiniyak ng US na pananagutin ang Russia sa ilang mga ginagawa nito gaya ng panghihimasok noong US election.